Sunday, August 19, 2007

"Restriction on Travel" ni Margo Agoncillo

Ang R.A. 9372 o ang mas kilala sa tawag na Human Security Act o mas madalas na tawag na Anti-Terror Law o Anti-Terrorism Law na naipatupad noong Hulyo 15, 2007 ay tungkol sa proteksyon sa buhay, kalayaan, at pagmamay-ari ng mga Pilipino na ibibigay ng estado laban sa mga terrorismo.

SEC. 2. Declaration of Policy. – It is declared a policy of the State to protect life, liberty, and property from acts of terrorism, to condemn terrorism as inimical and dangerous to the national security of the country and to the welfare of the people, and to make terrorism a crime against the Filipino people, against humanity, and against the law of nations.
Ayon sa http://jlp-law.com/blog/ra-9327-human-security-act-of-2007-full-text/

Dito nakasaad din dito sa batas na ito na kung sinuman ang magkakasala ng terrorismo laban sa isang Pilipino ay masesentensya ng apat na pung taon sa kulungan. Ngunit may mga pagkakataon kung saan ang nagkasala ay maaaring mailagay lamang sa House Arrest. Ito ay nangyayari kapag kulang ng ebidensya upang mapatunayan na ang suspek nga ang may sala sa isang gawaing panterrosismo. Ito ay nakasaad sa Section 26 ng R.A. 9372 o ng Human Security Act. Dito sinasaad ang sumusunod:

SEC. 26. Restriction on Travel. - In cases where evidence of guilt is not strong, and the person charged with the crime of terrorism or conspiracy to commit terrorism is entitled to bail and is granted the same, the court, upon application by the prosecutor, shall limit the right of travel of the accused to within the municipality or city where he resides or where the case is pending, in the interest of national security and public safety, consistent with Article III, Section 6 of the Constitution. Travel outside of said municipality or city, without the authorization of the court, shall be deemed a violation of the terms and conditions of his bail, which shall then be forfeited as provided under the Rules of Court.
He or she may also be placed under house arrest by order of the court at his or her usual place of residence.
While under house arrest, he or she may not use telephones, cellphones, e-mails, computers, the internet or other means of communications with people outside the residence until otherwise ordered by the court.
The restrictions abovementioned shall be terminated upon the acquittal of the accused or of the dismissal of the case filed against him or earlier upon the discretion of the court on motion of the prosecutor or of the accused.
Ayon sa http://jlp-law.com/blog/ra-9327-human-security-act-of-2007-full-text/

Dito sinasabi na ang kung sinumang tao ang inaakusahan na inaakusahan ng pagiging isang terrorismo na walang sapat na ebidensya ay maaari lamang manatili at pumunta sa iisang municipalidad o syudad kung saan nagaganap ang kanyang mga trial at kung saan siya naninirahan. Maaari lamang siyang umalis sa kanyang pinaroroonan sa pamamagitan ng permiso ng korte. At kung sakaling hindi sumunod sa mga patakaran ng korte ang akusado siya ay mapaparusahan dahil sa hindi pagsunod sa patakaran.

Ang akusado ay maaari ring ma-house arrest kung saan siya ay mananatili lamang sa iisang lugar o sa kanyang pamamahay. Kung saan siya ay babantayan dito. Ang akusado rin ay hindi maaaring makipag-usap sa kung sinuman sa labas ng kanyang bahay sa kahit anong pamamaraan mapatelepono o landline o cellphone o email man ng walang permiso ng korte. Ang pagkaka- house arrest ay matitigil lamang kapag nagkaroon na ng sapat na ebidensya upang mapatunayan na walang sala ang akusado.

Kung maaalala natin, noong 2004 inilagay sa house arrest ang dating pangulo natin na si Joseph Estrada imbis na manatili lamang sa isang kampo ng militar sa Maynial kung saan siya ay mahigpit a binabantayan. Siya ay inilipat sa kanyang villa kung saan siya ay mananatili doon habang binabantayan siya ng National Police. Hindi rin siya pinapayagan na makipag-usap sa media ng walang permiso mula sa korte. Siya rin ay hindi maaaring bisitahin ng kung sinuman ng walang permiso galing sa,walang iba kundi sa, korte. Habang siya ay na house arrest pinayagan siya na mabisita ng mga doktor tatlong beses sa isang linggo upang mabantayan ang kanyang kalusugan.

May mga pagkakataon, katulad ng sa ating dating pangulo na si Joseph Estrada, kung saan pinapayagan na may bumisita para sa kalusugan ng akusado. Ito ay dahil nangingibabawa pa rin ang karapatan niya kahit pa man siya ay nagkasala. Katulad na lamang ni Joseph Estrada, kahit na siya ay na house arrest hindi siya pwedeng pagkaitan sa kanyang mga karapatan na magpagamot.

Ang sinasabi lang sa section na ito ay, ang isang tao na inakusahan ng isang sala ng terrorismo kung saan walang sapat na ebidensiya para mapatunayan na siya ay sangkot o ang may sala sa buong pangyayari ay maaaring ilagay sa house arrest kung saan siya ay mananatili sa iisang lugar lamang sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng pulis o ng kung sinumang aatasan ng korte. Hindi rin siya maaaring makipag-usap sa kahit sinuman sa labas ng kanyang kinaroroonan ng walang permiso ng korte ngunit kahit na siya ay nasa house arrest hindi siya nawawalan ng mga karaptan at dapat niya ito gamitin sa mga pagkakataong kailangan.
****
-Margo Agoncillo:)

No comments: