Sunday, August 19, 2007

“Batasang Pananakot” ni Dale Manalo

Ano ang Human Security Act? Ito ay isang batas ukol sa pagpapalalim ng kahulugan ng terrorismo – ang pagsasagawa ng mga krimen na may layunin na magpalaganap ng takot sa mga tao para magparamdam sa gobyerno na bumigay sa kahilingang lumabag sa batas; kabilang dito ang pagpapasabog sa mga pampublikong lugar, pagpatay ng mga tao bilang mensahe sa pamahalaan na magpa – alila sa mga terrorista, pagrerebelde, pangingidnap at pagpapaari ng illegal na armas at mga gamit - pampasabog.

Ang mga taong nais magpatupad ng ganitong batas, ito ay magiging sandata sa pagsugpo ng mga katiwalian na nagaganap sa pulitika at sa mga protestang idinaraos ng nakararaming tao. Mayroon man malabong kahulugan ang terorismo pero ginamit ito ng ibang bansa bilang pagpapahalintulad sa mga ilehitimong kilusan na pakikisali sa mga taong sumasanib pwersa sa mga kilalang terorismo upang talunin ang kolonyalismo na mayroon ang bansa.

Halimbawa, ang pangyayari na lang na ikinagulat ng buong mundo – ang pagpapasabog sa World Trade Center sa New York, U.S.A noong Setyembre 9, 2000. Ito ay pinamunuan ng sikat na teroristang si Osama Bin Laden na mula pa sa bansang Afghanistan. May mga bansang katiwala ni Bin Laden. Kabilang dito ang mga bansang North Korea, Libya, at Iraq. Ang U.S.A. naman ay may katiwalang bansa tulad ng Great Britain, Philippines, at South Korea. Isinagawa ito bilang paghihiganti ng terorista sa America ang ginawa nilang paglusob sa Iraq upang inspeksyunin ang kanilang mga “weapons of mass destruction” pero hindi ito ginusto ni Bin Laden dahil basta – basta na lang sila sinusugod. Mahigit sa 650,000 ang namatay na sibilyan sa America sa nangyari.

Isa pang halimbawa ay ang bihag na si Angelo de la Cruz sa Iraq. Siya ay isang drayber ng trak na ginawang ransom kapalit ang pagpapaalis sa mga sundalong Pilipino sa bansang Iraq. Niligtas ito ni Pangulong Arroyo pero sinundan ang kapalit nito. Nadamay ang isang inosenteng Pilipino sa mga terorista ng Iraq at ginamit siya bilang pain sa gobyerno ng Pilipinas, para isalungat ang nais ipahiwatig ng batas – ang pagbibigay seguridad ng mga Pilipino. Nilagay ang mga sundalong Pilipino para mabigyang proteksyon sa mga Pilipinong naroon at bilang isang paraan ng komunikasyon sa mga Pilipinong naroon at sa Pilipinas. Magaling ang mga terorista na minsan ay inuunahan ang mga plano ng kanilang kalaban.

Ipinapahiwatig ng HSA na ito na sinuman ay maaaring isang biktima ng terorismo bilang isang paghihiganti sa mga di kanais – nais na pangyayari. Alam natin na magkalaban ang bansang America at Iraq, dahil sa mga bagay na di – nagkakaintindihan, lalo itong umusbong na mangdamay ng mga inosenteng tao bilang isang sakripisyo sa pagpapahatid ng isang babalang dapat sundan ng America, at dinaan ito sa pagpapasabog gamit ang mga eroplanong may nilalaman na nuclear bomb na gawa ng bansang North Korea. Hindi man sinundan ang babala ni Bin Laden pero kapalit nito ang buhay ng tao.

Gayunpaman, ang HSA ay isang katuparan ng pamahalaan na kapag ang tao man ay kabilang o di – kabilang sa isang organisasyon ng terorismo, pwede siyang maging sangkot sa iba’t ibang klaseng krimen na kailanman ay babalikan ng mga terorista upang magdala ng mas matinding takot sa mga tao at manalasa na parang isang bagyo na magdudlot ng matinding pinsala sa mga ari – arian at buhay na mayroon ang isang bansa.

Ang batas na ito ay ipinasa sa Senado noong Pebrero 8 sa dalawang boto lamang. Ito ay inimplementa noong Hulyo 5 na walang IRR na sinusundan. Napaka – mautak ang pagpapatupad nito sapagkat may potensyal itong tamaan ang gobyerno at magkaroon ng oposisyon sa pulitika dahil sa batas na ito. Napatupad na ito ni Pangulong Arroyo at tutulong ang mga opisyal ng gobyerno para mas mapagtuunan pansin ang batas na ito.

Epektibo ba ang batas na ito? Bilang isang indibidwal na naninirahan sa bansang Pilipinas, kahit papaano naman naliliwanagan tayo sa tinataglay nitong mensahe sa atin at para mas maging alerto tayo sa pagsulpot ng mga terorista. Wala man itong pinaka – kahulugan at iba – iba man ang pananaw ng mga tao, pero nakikita natin na dapat din tayo maging handa dahil pwede tayong gamitin laban sa mga terorista.

Masasabi kong ang isang terorista ay may taglay na mga taktika at mga planong nakaayos sa gagawing misyon. Kahit sino ay pwedeng maging isang terorista at sinuman ay pwedeng magkutya na ang taong gumawa ng kasalanan ay isang terorista, pero alam natin na may katumbas na parusa ang paglabag sa mga seksyon na mayroon ang Human Security Act. Bago mahuli ang mga ito, nagagawang bumitag ng mga inosente at ang mga kalaban naman ay kapwang gumagamit ang nahuling kasapi ng terorismo para mas mapadali ang paghuli nito. Bago nahuli si Osama Bin Laden, marami ang nagbuwis ng buhay para dito at makita natin na ito ay nakakulong na. Ang Amerika ngayon ay mas maingat pagdating sa depensa ng kanilang bansa dahil sinuman ay pwedeng maging biktima ng terorismo.

Wala man itong pinakasolusyon para malutas ang pangambang idinudulot ang mga terorista pero maging bukas tayo sa ating kapaligiran at magkaroon ng unawa sa mga nangyayari. Magtaka na lang ang isang taong namatayan ng isang minamahal sa buhay ng isang terorista. Hindi naman sigurong maaaring patayin ang teroristang iyon dahil pwede ka rin maging isang terorista. Kahit papaano, hindi pa nagwawakas ang buhay – terorista.

Ang Human Security Act ay tinaguriang “Anti – Terrorism Bill” sapagkat ang tao ay may nais na hindi maapektuhan sa mga pangyayaring ikakatakot at ikakamatay ng iba. Dapat na mas mahigpit ang seguridad at mas magkaroon ng maraming sundalo para ito ay masugpo at mas maging epektibo ang naturang batas.

No comments: