Sunday, August 19, 2007

"SEC. 24 ng HSA: Tortyur at Interogasyon" ni Miggy Pascual

Sec. 24: No Torture or Coercion in Investigation and Interrogation

"No threat, intimidation, or coercion, and no act which will inflict any form of physical pain or torment, or mental, moral, or psychological pressure, on the detained person, which shall vitiate his free-will, shall be employed in his investigation and interrogation for the crime of terrorism or the crime of conspiracy to commit terrorism; otherwise, the evidence obtained from said detained person resulting from such threat, intimidation, or coercion, or from such inflicted physical pain or torment, or mental, moral, or psychological pressure, shall be, in its entirety, absolutely not admissible and usable as evidence in any judicial, quasi-judicial, legislative, or administrative investigation, inquiry, proceeding, or hearing."


Isinasaad ng seksyon 24 ng panibagong batas na Human Securtiy Act na hindi maaring gamitan ng "torture" o "coercion" upang makuhanan ng impormasyon ang sino mang nilalalang na idinetina para sa pagkakasalang terorismo.

Ano nga ba ang
"torture"? Marahil ay narinig na natin ito sa mga balita, pelikula at mga nobelang may katungkulan sa pagkakabihag ng mga tao. Ayon sa Webster's Dictionary ang ibig-sabihin ng "torture" ay: "Extreme pain; anguish of body or mind; pang; agony; torment; as, torture of mind." Ito marahil ang pinakasikat na paraan para makakuha ng impormasyon mula sa mga bihag. Maraming paraan ng pag tortyur sa mga indibidwal. Ang simpleng pananakit tulad panununtok, pagsipa o paghambalos sa isang bihag upang makakuha lang ng impormasyon ay sinasabing tortyur na. Sa buong mundo, ipinagbabawal ang tortyur o ano mang kaparaanan na maiiuukol dito. Itinuturing itong immoral at hind makatao. Marahil ay ipinagbabawal nga ito ngunit hindi pa rin ito mapigilan. Marami nang mga dinetena na mga indibidwal ukol sa iba't ibang kaso sa bansa natin ang lumabas sa media at inakusahan ang kanilang mga taga-bihag na sila ay tinortyur ng mga ito. Lumalabas sila sa at pinapakita ang kanilang mga sugat at mga pasa na umano'y natamo nila mula sa kanilang mga taga-bihag. Maniwala man kayo o hindi, nangyayari ang mga ganitong bagay. Nawawala ang pagiging malaya ng isang tao na magdesisyon dahil sa presyon na idinudulot ng pagtotortyur sa kanila. Napipilitang silang umamin sa mga bagay na hindi naman nila ginawa o wala naman silang kinalaman tungkol doon. Masasabi nga na masama ito at hindi nararapat para sa isang indibidwal na maranasan ito.

Sinasaad din ng batas na ito na ang anumang impormasyon na mapapatunayang nakuha sa pamamaraan ng pagtoryur o anumang paraan na nauukol dito ay hindi magagamit at hindi maituturing o magagamit na ebidensya sa mga kaso ukol dito.

Nabablot nga ng kontrobersya ang panibagong batas na ito. Marami ang umaangal sa mga nilalaman nito. Madami din ang nagsasabi na ito ay isang hakbang patungo sa Martial Law na una nang idineklara ng dating pangulong Marcos noong Setyembre 21, 1972. Nasa atin na ang desisyon kung makakatulong nga ba ang batas na ito o hindi sa mga problemang terorismo sa ating bansa. Sa mga tulad kong estudyante ngayon, karamihan ay wala pang nalalaman tungkol dito sa batas na ito. Karamihan din ay alam nga ang batas ngunit hindi naman naiintindihan ang nilalaman nito. Katulad ng sikat na kasabihan na: "Ignorance of the law, excuses no one." Sana ay makatulong hindi lamang ang aking artikulo kundi ang aming blog na rin upang magsilbing pagbubukas sa isipan ng mga mamamayan ng ating bansa ukol sa kontrobersyal na isyung ito.

No comments: